News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

shoes shoes shoes :)

Started by toffer, October 02, 2008, 11:43:58 PM

Previous topic - Next topic

mang juan

^ Haha! Grabe.

May alam ba kayong online store na nagbebenta ng legit sneakers?

den0saur

Quote from: bokalto on September 20, 2017, 08:34:02 AM
ay yabangan na to ng mga shoes. hahaha!


To naman. Mahilig lang sa sapatos. Hahaha.

Quote from: mang juan on September 20, 2017, 09:20:20 AM

May alam ba kayong online store na nagbebenta ng legit sneakers?

Madami online. Sa instagram at facebook pa lang dami ko ng nakikita eh. As for its legitimacy, hehehe. Lol na lang.
pero ako, personally, mas okay yung sa physical store. Para masusukat mo at makikita mo kung bagay sayo. Tsaka gaya ko, yung size ko iba iba pa depende sa brand.

bokalto

kung mahilig siguro ako sa shoes, dami ko na shoes ngayon. napakadami dito na shop for shoes. kaliwa't kanan. napakahlig ng mga hapon sa iba ibang shoes.

den0saur

Mano po Ninong. Hahaha. Tumatanggap na po ako ng regalo ngayong pasko starting today. Size 10.5 po.  :-*

bokalto

Size 10.5 0_o
MALAKI ang shoes mo pala. hehehe
sorry, d kasya sa bagahe. ayoko magbitbit ng madami. hehe.

Gusto ko bumili dito ng shoes na yung kulay brown.. yung formal shoes na parang kahoy ung itsura.
dko kasi alam tawag dun. haha! ganun kasi usong-uso dito. tska parang ang pormal nya tignan.
sarap mag feeling boss. bwahahahaha! Yun lang nga, ANG MAHAL!!! Ano tawag dun?? alam kong masasagot nyo yang tanong ko. haha!

den0saur

Quote from: bokalto on September 20, 2017, 02:14:29 PM
Size 10.5 0_o
MALAKI ang shoes mo pala. hehehe
sorry, d kasya sa bagahe. ayoko magbitbit ng madami. hehe.

Gusto ko bumili dito ng shoes na yung kulay brown.. yung formal shoes na parang kahoy ung itsura.
dko kasi alam tawag dun. haha! ganun kasi usong-uso dito. tska parang ang pormal nya tignan.
sarap mag feeling boss. bwahahahaha! Yun lang nga, ANG MAHAL!!! Ano tawag dun?? alam kong masasagot nyo yang tanong ko. haha!

Oo MALAKI! Malaki ang medyas. Hahaha.

Anong sapatos yan? Bat kahoy? Wooden bakya? yung kagaya kay Apo Jukay?

bokalto

parang kahoy ang itsura.. hindi kahoy. enebeyen,... hahaha!

jackxtwist

Quote from: den0saur on September 20, 2017, 01:27:31 PM
Quote from: mang juan on September 20, 2017, 09:20:20 AM

May alam ba kayong online store na nagbebenta ng legit sneakers?

Madami online. Sa instagram at facebook pa lang dami ko ng nakikita eh. As for its legitimacy, hehehe. Lol na lang.
pero ako, personally, mas okay yung sa physical store. Para masusukat mo at makikita mo kung bagay sayo. Tsaka gaya ko, yung size ko iba iba pa depende sa brand.
I would also recommend seeing and touching (smelling? lel) the pair of shoes itself. Iba yung feeling, minsan pakiramdam ko may spiritual connection kami ng sapatos  ??? ??? ??? .
The only time you order online kapag nasipat mo na lahat ng tindahan  at na-scan mo na lahat ng forums at na-confirm  mo na wala sa pinas.

den0saur

~spiritual connection~~ i feel you bruh

mang juan

^^ meron kasing online shops na nagbebenta ng shoes na lagi out of stock sa physical store. Hehe. At yung iba mas may discounts at free shipping pa.

den0saur

Sabagay. Kung online with physical store, okay na siguro nga yun. Ang mahirap kasi eh yung mga online shops na di mo mawari kung bogus ba o ano.

Kinikilig rin ba kayo sa shoes? Hahahaha.

jackxtwist

Quote from: mang juan on September 24, 2017, 08:46:31 PM
^^ meron kasing online shops na nagbebenta ng shoes na lagi out of stock sa physical store. Hehe. At yung iba mas may discounts at free shipping pa.
how's your experience shopping shoes online? sobrang mas nakamura ka ba?

This may sound soooo mayabang. But I am more than willing to splurge on shoes, tipong I don't bother looking at the price tag, lalo na kapag yun nga, may spiritual connection  ;) ;) ;). at eto
Quote from: den0saur on September 25, 2017, 11:29:39 AM
Kinikilig rin ba kayo sa shoes? Hahahaha.

I remember nung binili ko yung Earthkeepers. Grabe ilang buwan rin ako naghanap sa Metro Manila nito, tapos yung mga Timberland na shops nitatawagan ko. In fact, kilala na ako ng staff ng Timberland sa Megamall  ;D ;D. Tapos nung pagtawag ko sa Megamall meron na raw sila stock nung color, style, and size ko grabe nagmadali talaga ako. Tapos hindi muna ako pumasok sa shop. Huminga muna ako ng malalim. Pagpasok ko, inabot sa akin yung shoes. Grabe. Halos maiyak ako. I touched, no, caressed it and I was holding it like it was a baby. I actually forgot how much it was.

Although una kong nakita ang Earthkeepers online at alam ko pwede ito ma-order online, I was more determined to get a feel of what it's really like. 

Last na. I feel more confident, more gwapo when I wear my favorite shoes vs shirt or jeans or whatever. How about you?

den0saur

Apir! Ramdam na ramdam ko yang ganyan. Hahahaha. Akala ko, ako lang!

Chris

Cole Haan - I really like the contrasting color concept of their shoes. Unfortunately, they are not cheap. They are an expensive brand!

jackxtwist

^ *googles Cole Haan*

sorry mann hann talaga naisip ko -_-