News:

If this is your first time to visit, you might have to register here before you can post.

Main Menu

interview the next person

Started by angelo, July 16, 2009, 09:42:24 AM

Previous topic - Next topic

mang juan

^^ Naku bukas na agad APE? Sabihin mo na lang nagtatry ka maglose ng weight. Hehehe. Di naman sedentary lifestyle mo Kuya Den?

Sa dami na ng naencounter ko na pasyente at relatives, di ko pa natry sumagot ng pabastos sa kanila. Yung pasensya ko di naman ganun kahaba pero pag di ko na kasi kaya sinasabi ko na lang na babalikan ko po kayo agad or papakausap ko na lang po kayo sa supervisor or kahit anong way para lang makahinga ng malalim at makalma yung sarili ko. Hehehe. Daming sinabi

Ilan ang kaibigan mong sa tingin mo ay totoo sayo?


den0saur

#1216
Oo eh. Good luck talaga sakin. Mamomolestya na nga, sasabihan pang mataba. Haha.

Good trick yung ginagawa mo ha. Ako, dahil matanda na, maiksi na pisi ko. Hindi man ako magsalita, kitang kita naman sa mukha ko na namumula at halatang inis na. Hahaha.

Sa question mo, i'd like to think na lahat naman sila totoo sa akin. I have less thanfive na super close sa akin at tingin ko naman totoo sila. Kasi kahit ako, lahat ng baho ko alam nila halos eh.

Bakit ampogi pogi ko raw sabi ng nanay ko? Hahahahahaha

bokalto

Pwede sagutin ko na lang yung tanong ni mang juan? Hahaha.

Konti lang din yung maituturing ko na super close friends. not more than 5 cguro.

"Bakit ampogi pogi ko raw sabi ng nanay ko? "
- siguro mas ok na tanungin mo jan yung nanay mo. hahaha!

Anong plan mo na bilhin para sa sarili mo this coming december?

den0saur

^hahahahahaha itetext ko nga nanay ko. Lol

This december, siguro gadget lang or shoes. O kaya relo. Usually kasi si kumander ang bumibili. Nag eexchange gift kami. Hehe.

Ikaw, anong bibilhin mo this december?

bokalto

para sa akin? hmmmm... baka wala. pero para sa bahay, meron. haha.
Plan ko magpa-install ng mga solar panels sa bahay.
Ayun ang target ko this year. :)

Kaya mo bang hindi gagamit ng cellphone for the whole week?

den0saur

^ I think so. Kaya ko naman siguro. Basta nasa akin yung notebook computer ko hehehe.

Solar panels, how? Pakiexplain sir. ;)

bokalto

Solar panels. Para wala kaming konsumo sa power ng Meralco.
Para kahit bumagyo at magbrownout, may kuryente pa rin kami.

If interested ka, look into this site.
http://www.solaric.com.ph/

Define love. (Slum book?? haha)

den0saur

Pil na pil kong sumagot ngayon sa what is love na yan kaya eto, seryosong sagot:

Love is the combined manifestation of all your feelings towards a person. hindi lang ito yung mga positive traits at positive na mga bagay na ginagawa mo to make that person feel special, or loved. Kasama kasi yung mga tampuhan at di pagkakaunawaan. Kasi kung wala yun, hindi mo mabubuo sa utak mo yung sense of compromise. Love is a state of mind. If you condition yourself to think and feel love for a person, madedevelop mo yung habit ng pagcocompromise para hindi masira ang trust at para maging harmonious ang relationship nyo. Love is a work in progress. Love is hard work. Love, sometimes is fleeting and it just depends on your faith on each other whether you'll stay or not. Love is a term we use to define all the things we do to people we care about. Love gives justice to all the weird and unacceptable things we do to the people we care so much about.
Love is too complex to even explain, you just feel it. You just do.

Nagets mo yung mga katangahan kong yan? Hahahaha   

bokalto

yung totoo??
hindi kasya yan sa slumbook!
usually 2-3 lines lang ang nakalaan sa Define Love section. Hahahaha!

Wala akong matanong. Kumain ka na?

den0saur

Haha ako nga rin wala nang maisip itanong dito. Oo kakatapos lang. Batchoy ulam.  :D

Ikaw anong ulam mo?

bokalto

Lunch out kami ngayon sa tapat na mall.
Shabu-shabu all you can eat. At gulatan sa laki ng bill. Hahaha!

most embarrassing moment? haha

den0saur

Sarap!!!!! Hahaha. Payday naman, okay lang yan.

Most embarrassing moment ko siguro ay yung nahuli ako ng isang kabarkada/housemate ko na may ginagawang milagro. Haha. Pag naaalala ko eh nahihiya pa rin ako sa sarili ko at sa palusot ko.

Wala ulit akong maitanong so binabalik ko, anong most embarrassing moment mo?

bokalto

next week pa payday namin. once a month lang.
etong panahon na to, gapangan mode na.

yikes. nahuli ka? ahahaha! pag ganun parang gusto ko ibaon sarili ko sa lupa dahil sa kahihiyan. hahaha!

most embarrassing? Hmmmm. sa sobrang nakakahiya, hindi ko na isshare. hahaha.
yung hindi na lang masyado nakakahiya. Siguro yung nakapag-mall ako and all, tapos nung pauwi nako, narealize ko na baligtad pala yung shirt ko. grabe lang. parang gusto ko ibalik ang oras at i-redeem ang sarili ko. hahaha!

decribe your self in 3 words.

den0saur

Ang lame nung embarrassment mo compared sakin. Hahahaha. Sana pala ang sinagot ko eh yung nag-burp ako nang malakas habang sumasagot sa recitation.  ;D For so long kasi yung ang most embarrassing ko eh. Sya, ikwento mo sakin sa december sa pa-buffet mo tas ikkwento ko rin sayo ung di ko isinama sa sagot ko sa taas kasi nakakahiya nga hahahaha.

Three words: cool, dadbod, friendly

You? Three words that describe you din?

bokalto

average lame person.
hahaha!

bakit tayong dalawa lang nag-uusap dito? haha!