News:

Check PGG's Instagram and I'll check your Instagram too!

Main Menu

Usapang Sahod: When will we be satisfied?

Started by bokalto, August 16, 2017, 04:32:43 PM

Previous topic - Next topic

bokalto

Sa tagal ko na sa industriya, napansin ko na karamihan sa atin ay hindi kuntento at hindi masaya sa kasalukuyan na sinasahod. Para bang hindi tayo nakukuntento.
Bakit nga ba.... Pano mo masasabi na ok na yung sahod mo? Kelan tayo makukuntento?

chris_davao


den0saur

The grass is always greener on the other side.

Kahit makailang palipat-lipat tayo ng pwesto, palaging "greener" sa iba. Partly because hindi naman natin nakikita yung tunay na kalagayan doon sa greener pasture na yun. Akala natin greener in terms of sweldo, yun pala mamamayat ka sa sobrang hirap ng trabaho.

Isa pang dahilan, tingin ko ay dahil habang luamalaki ang income natin, lumalaki rin ang expenses natin. Halimbawa:
Rank and file employee ka na may 10k salary. You will settle for turu-turo for lunch o jollijeep. Ang mga damit mo mga mumurahin lang.

Once mapromote nang mapromote yan, sabihin natin na naging manager na at ang sweldo na nya ay 60k. Kasama sa pagtaas ng posisyon ang image na kailangan niyang panatilihin. Nariyan ang gagamit ka na ng branded items kasi humaharap ka na ngayon sa ibang tao at nirerepresent mo na ang kumpanya. Sa medyo mahal ka na rin kumakain kasama ang mga bago mong kaibigan na mga matataas din ang posisyon. Sa mga events at parties, expected na mas malaki ang patak mo. Kung dati tig-50 lang palagi, ngayon na manager ka na, 500 agad dapat ang patak mo. Kapag nanalo ka sa raffle, nakakahiya kung tatanggapin mo pa yung LED TV kasi expected nila na meron ka na nun, so ang polite way is to donate and waive the prize para sa mas mababang level na employee mapunta.

I could go on and on pero baka sumama lang loob ko haha

bokalto

boss den. like a boss. haha.
Tama ka jan.

ako, napatunayan ko na rin na hindi porket malaki ang sahod, masaya na.
sa previous work ko, i'm earning like...basta malaki. haha.
pero hindi ako dun masaya. It turns out hindi ko gusto yung trabaho and my teammates/manager.
kahit gano kalaki sinasahod ko nun, im always dragging myself to work and was never happy.
One year lang ako dun and I left and look for a new one.
Yung nilipatan ko, malaki ang binaba sa sahod ko nun.. as in...
and matagal akong nakipag-haggle para lang mapataas yung offer.
so ayun, in the end,tinaasan nila ng konti at tinanggap ko din pero maliit pa rin compare sa dati..
pero nasabi ko naman na gusto ko yung trabaho at mga kasama ko...

ngayon cguro,kuntento na ako sa kinikita ko basta ok yung trabaho at yung working environment.

kainis ang haba!

den0saur

okay lang yan sir. Humahaba lang naman ang posts natin kapag talagang may sasabihin tayo. Rather than post nonsense sa mga di mo masyadong gustong threads, edi dun ka na sa topics na may masasabi at may maise-share ka, di ba?

Ako naman, my current job is a few kiyaws higher than my previous work. I guess, in a sense, satisfied naman ako with what I'm getting. Yung work load kasi, though mas mabigat, ay mas gusto at mas enjoy akong gawin. And yes, I know the feeling of dragging yourself to work. Yan ang nangyari sa akin sa last job ko. Namayat ako sa sobrang stress, lumabas ang eyebags ko na akala ko wala ako nun, at pati personal outlook ko sa buhay ay naging negative na. I lated only for 6 months there.

Ngayon, sobrang okay ako sa work ko. Work is work, di maiiwasan ang conflicts pero this is so much better than the last.

jackxtwist

Quote from: den0saur on August 17, 2017, 11:51:23 AM
Isa pang dahilan, tingin ko ay dahil habang luamalaki ang income natin, lumalaki rin ang expenses natin. Halimbawa:
Rank and file employee ka na may 10k salary. You will settle for turu-turo for lunch o jollijeep. Ang mga damit mo mga mumurahin lang.

Once mapromote nang mapromote yan, sabihin natin na naging manager na at ang sweldo na nya ay 60k. Kasama sa pagtaas ng posisyon ang image na kailangan niyang panatilihin. Nariyan ang gagamit ka na ng branded items kasi humaharap ka na ngayon sa ibang tao at nirerepresent mo na ang kumpanya. Sa medyo mahal ka na rin kumakain kasama ang mga bago mong kaibigan na mga matataas din ang posisyon. Sa mga events at parties, expected na mas malaki ang patak mo. Kung dati tig-50 lang palagi, ngayon na manager ka na, 500 agad dapat ang patak mo. Kapag nanalo ka sa raffle, nakakahiya kung tatanggapin mo pa yung LED TV kasi expected nila na meron ka na nun, so ang polite way is to donate and waive the prize para sa mas mababang level na employee mapunta.

They call this lifestyle inflation. Naging biktima ako nito after ng 1st job ko out of college. Hindi ko alam I was sooo underpaid yet overworked. Every week may inom, every week may pa-dinner, present lagi sa sale grabe. In any case, mas bata pa naman ako noon hahaha.

Quote from: bokalto on August 17, 2017, 12:43:30 PM
ako, napatunayan ko na rin na hindi porket malaki ang sahod, masaya na.
sa previous work ko, i'm earning like...basta malaki. haha.
pero hindi ako dun masaya. It turns out hindi ko gusto yung trabaho and my teammates/manager.
kahit gano kalaki sinasahod ko nun, im always dragging myself to work and was never happy.
One year lang ako dun and I left and look for a new one.
Yung nilipatan ko, malaki ang binaba sa sahod ko nun.. as in...
and matagal akong nakipag-haggle para lang mapataas yung offer.
so ayun, in the end,tinaasan nila ng konti at tinanggap ko din pero maliit pa rin compare sa dati..
pero nasabi ko naman na gusto ko yung trabaho at mga kasama ko...
Same experience, hindi lang dapat sweldo as in salary lang ang dapat pagbasehan. Merong non-monetary factors na dapat i-consider:
1. Relationship with boss. Eto sobrang big sa akin nito. Halos lahat ng work ko hindi ko kasundo boss ko tipong we agree to disagree palagi. Pero we always worked things out. Yun nga lang, ang hirap humingi na pabor, e.g. long leaves, salary raise
2. Career progression or at least opportunity for growth. Naka-depende to sa boss mo, sa peers mo, at sa HR lol. Pero seriously, kung kaya mong sikmurain sila, then for sure darating sayo yan. With vertical career progression comes salary raises.
3. Peers. Eto talaga. This will make or break you. I cannot imagine going to work and sitting side-by-side with people I don't like. Formality and desire to get things done can only get you so far. Naalala mo nung college na excited ka pumasok hindi dahil may klase kung hindi dahil makikita mo ulit barkada mo? Ganun din pala sa pagtatrabaho. I met a lot of people who earn as much as I do but are higher up in the ladder (sup, manager level) yet stay in their firms even if they know opportunities exist outside. At dun na rin sila nag-retire!